Nalampasan na ng “Spider-Man: Brand New Day” ang P1 bilyong kita sa takilya sa Pilipinas, matapos itong tumabo ng P1,055,450,903 sa ikalawang weekend sa mga sinehan.

Kabilang sa mga sinehan sa bansa na nakapagtala ng pinakamalaking kita para sa pelikula ay ang SM Megamall, Power Plant Cinema, TriNoma, SM Mall of Asia, at SM North EDSA, bukod pa sa iba.

Sa unang araw pa lamang ng pagpapalabas nito sa Pilipinas, kumita na ang “Spider-Man: Brand New Day” ng P95.9 milyon.

Nangyari ang “Spider-Man: Brand New Day” apat na taon matapos mabura ang alaala ng mga tao tungkol kay Spider-Man sa “Spider-Man: Far From Home.”

Sa mga naunang trailer, ipinakitang nahihirapan si Peter Parker na kontrolin ang kaniyang sarili at ang kaniyang mga kapangyarihan habang kinakaharap niya ang sinasabi ni Bruce Banner (Mark Ruffalo) na pagbabago ng kaniyang DNA.

Bida sa pelikula sina Tom Holland bilang Peter Parker; Zendaya bilang si MJ, at Jacob Batalon bilang si Ned. —Hermes Joy Tunac/FRJ GMA News