Para sa mga naghahanap ng trabaho, magdaraos ang ilang mga lungsod sa Metro Manila ng job fair ngayon at susunod pang mga araw.

Iniulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles na ngayong araw mayroong job fair sa Makati City Hall na magtatagal hanggang alas-dose ng tanghali.

Para naman sa nasa industriya ng IT at business process outsourcing (BPO) management, mayroong virtual job fair naman ang Taguig City sa Huwebes, April 27.

Samantala, mahigit 37 kumpanya at overseas employment agencies ang tatanggap ng mga aplikante sa San Juan City Mega Job Fair sa Biyernes, April 28.

Sa May 1, Labor Day, libo-libong trabaho ang alok ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga job fair na isasagawa sa iba't ibang mall sa Metro Manila.

Magkakaroon din ng job fairs sa iba pang rehiyon .

Sa May 2, magkakaroon ang Pasig City ng first-time jobseekers para sa mga Pasigueño. —LBG, GMA Integrated News