Umabot na sa mahigit P111 milyon ang jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 na hindi rin tinamaan nitong Martes ng gabi, Mayo 9, 2023. Nitong Lunes, walang pinalad na manalo ng mahigit P196 milyon sa draw ng Megalotto 6/45.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na ang mga lumabas na mga numero sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Martes ay 05-28-39-40-16-01.

Umabot ang premyo nito sa kabuuang P111,548,128.00.

Huling tinamaan ng isang mananaya ang jackpot sa Ultra Lotto 6/58 noong Marso 12, 2023, na umabot ang premyo sa  P49,500,000.00.

Ginagawa ng PCSO ang pagbola o draw nito tuwing Martes, Biyernes at Linggo, sa ganap na 9:00 pm.

Samantala, wala ring tumama sa kasabay nitong draw nitong Martes na Superlotto 6/49, na may premyong P16,548,365.80.

Ang lumabas na kombinasyon ng mga numero ay 38-12-49-05-37-20.

Wala ring pinalad na manalo sa isa pang draw na Lotto 6/42, na ang mga lumabas na numero ay 23-19-24-11-31-41, at mayroong premyong P37,982,691.40.

Umabot na rin sa P1,485,439.04 ang premyo sa 6D Lotto draw nitong Martes, na ang anim na numerong lumabas ay 9-3-2-4-1-3.

Nitong Lunes, pumalo na sa P196,065,312.40 ang jackpot prize sa Megalotto 6/45, pero walang nakahula sa lumabas na mga numero na 04-44-25-40-26-42.

Ginagawa ang pagbola o draw ng Megalotto 6/45 tuwing Lunes, Miyerkoles at Biyernes sa ganap na 9 p.m. --FRJ, GMA Integrated News