Umabot na sa mahigit P132 milyon ang jackpot prize sa Ultra Lotto 6/58 draw nitong Martes, May 16, 2023.

Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nakasaad na walang mananaya ang nakatama sa lumabas na mga numerong 28-41-45-23-58-38.

Pero may apat na mananaya ang nakakuha ng lima sa anim na lumabas na numero na may premyong P120,000.00.

Samantala, hindi rin tinamaan ang kasabay nitong Superlotto 6/49 draw, na ang lumabas na mga numero ay 18-46-20-48-27-05, at may premyong 27,697,304.40.

Sa isa pang draw na Lotto 6/42, ang lumabas na mga numero ay 25-41-28-04-09-01, at wala ring tumama sa premyo nito na P7,323,046.00.-- FRJ, GMA Integrated News