Ikinasal na ang celebrity couple na sina Nash Aguas at Mika Dela Cruz.

Sa kaniyang Instagram, nagbahagi si Mika ng isang larawan mula sa araw ng kanilang kasal na may hashtag na #NASHakanyanasiMIKA, kung saan makikita siyang nakatayo sa isang aisle.

“Walking towards my God-sent, my Love, and my forever,” caption ni Mika.

Suot ni Mika ang isang gown mula sa fashion designer na si Julianne Syjuco.

Nakatanggap din sina Nash at Mika ng pagbati mula sa kanilang mga kaanak at kaibigan sa showbiz.

“I love you soooooo much beautiful bride,” komento ng ate ni Mika na si Angelika.

“Omg Mikaaaa i know you’ve been waiting for this day. I’m so so so happy for you and Nash!!! you deserve all the love and happiness. Congratulations, beautiful couple!” saad ni Gabbi Garcia.

“Omg congrats Mika!!!! Congrats to the both of you,” pagbati naman ni Jasmine Curtis-Smith.

Kinumpirma nina Nash at Mika ang kanilang relasyon noong 2018. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News