Namataan ang isang baboy na palakad-lakad sa Cebu–Cordova Link Expressway (CCLEX).

Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak, na iniulat din sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabi ng uploader ng video na nadaanan nila ang baboy habang nasa tulay papuntang Cordova.

Dahil dito, iniulat nila agad sa guard ng expressway ang tungkol sa namataang hayop.

Inabisuhan ng pamunuan ng expressway ang delivery truck kung saan sakay ang baboy.

Hindi pa nakalalayo ang truck, kaya agad nitong nabalikan ang baboy at muling naisakay. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News