Arestado sa buy-bust operation sa Quezon City ang isang senior citizen at ang kayang apo na menor de edad dahil sa pagbebenta ng marijuana.

Sa ulat in Emil Sumangil sa Unang balita nitong Miyerkoles, lantaran umanong nakikipag-deal ang suspek sa police asset sa isang mataong lugar sa Barangay Veterans Village, QC. 

Agad na dinakip ang suspek na senior citizen, ayon sa mga pulis. Kalahating kilo ng first-class na marijuana na nagkakahalaga ng P100,000 ang narekober sa kanya.

Ayon sa mga pulis-QC, galing sa komunidad ang reklamo laban sa suspek.

Kasamang dinakip ng mga tauhan ng Quezon City Police District ang 16-anyos na apo ng suspek na may papel sa pagtutulak sa mga paaralan, ayon kay Police Lt. Col. Resty Damaso, hepe ng QCPD Station 2. —LBG, GMA Integrated News