Kinagigiliwan ang isang beluga whale na namataan sa Sweden, na hinihinalang bahagi ng isang spy training program.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing instant celebrity si Hvaldimir, isang white male beluga whale, dahil sa kaniyang anyo at galaw.

Ilang beses namataan si Hvaldimir sa baybayin ng Norway mula pa noong 2019, na may suot na camera at harness na may nakaimprentang "Equipment St. Petersburg.”

Dahil dito, naniniwala ang ilan na bahagi siya ng isang spy training program. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News