Pasok ang sorbetes at halo-halo sa Top 50 Best Frozen Desserts in the World ng TasteAtlas.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Biyernes, sinabing nasa number 5 ang sorbetes, na may 4.5 out of 5 na rating.

Ang sorbetes ay karaniwang gawa sa gatas ng kalabaw at may masasarap na flavor tulad ng mangga, ube, keso, buko, at tsokolate.

Pasok naman sa number 43 ang halo-halo na may 3.8 rating.

Ang halo-halo ay gawa sa dinurog na yelo na hinahaluan ng gatas at iba’t ibang sangkap gaya ng sago, beans, nata de coco, macapuno at gulaman.

Tampok ng TasteAtlas ang iba’t ibang desserts sa buong mundo at kinukuha ang food rating mula sa kanilang audience. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News