Patay ang isang lalaki matapos siyang barilin ng malapitan sa likod ng ulo habang naglalakad sa Arlegui Street sa Maynila nitong Sabado ng gabi.

Sa ulat ng GTV "State of the Nation" nitong Lunes, makikita sa kuha ng CCTV camera na ilang beses pang binaril ng salarin ang biktima kahit nakabagsak na.

Dead on arrival sa ospital ang 27-anyos na biktima, habang nakatakas ang salarin sakay ng motorsiklo.

Kabilang umano sa tinitingnan ng awtoridad na motibo sa krimen ang away sa pamilya at negosyo ng biktima.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng salarin.-- FRJ, GMA Integrated News