Pinili ni Jennylyn Mercado na manahimik kaugnay ng pagsasalita ni Patrick Garcia sa kanilang hiwalayan 18 taon ang nakararaan. Sa kabila nito, may panawagan ang aktres sa publiko na itigil ang “hate” at “bashing” sa pamilya ng aktres, lalo na sa anak nitong si Michelle.
Naglabas ang talent agency ni Jennylyn na Aguila Entertainment ng opisyal na pahayag kaugnay ng panayam ni Ogie Diaz kay Patrick.
“Everyone is entitled to share their story on whatever platform they choose. In this case, Jennylyn would rather not share her side of the story out of respect for the privacy and peace of mind of both her family and Patrick’s,” saad sa pahayag.
“Our artist, Jennylyn Mercado, will not comment or grant any interviews” kaugnay sa isyu.
Bukod dito, humiling din ang aktres sa publiko na tigilan ang “hate” at “bashing” sa pamilya ni Patrick, lalo na sa anak nitong si Michelle.
Ayon pa sa pahayag, “Rest assured that Jennylyn and her son, Jazz, are living a good and happy life with her husband, Dennis, daughter Dylan, and stepson Calix.”
Sa panayam sa kaniya ni Ogie Diaz, binasag ni Patrick ang kaniyang katahimikan sa hiwalayan nila ni Jennylyn, at nilinaw na hindi siya nang-iwan kundi ayaw na ng aktres na makipag-ugnayan sa kaniya noong nagbubuntis ito.
Isinilang ni Jennylyn si Jazz noong 2008.
Ikinasal si Patrick kay Nikka Martinez noong 2015. Mayroon silang apat na anak: sina Michelle, Nicola, Francisca, at Enrique.
Samantala, ikinasal si Jennylyn kay Dennis Trillo noong 2021. Mayroon silang anak na babae na nagngangalang Dylan.
-- Jamil Santos/FRJ GMA News

_2026_09_30_13_28_27.jpg)