Inanunsyo ng budget airline na Cebu Pacific ngayong Miyerkoles na mayroon silang 750,000 upuan na naka-sale para sa kanilang domestic at international network.

Sa isang pahayag, sinabi ng Cebu Pacific na ang ilan sa mga upuan para sa mga domestic flight ay maaaring mabili sa halagang P88 na one-way base fare, at hindi kasama ang iba pang bayarin at surcharge.

Ang seat sale ay gagawin mula Mayo 21 hanggang 25, 2025.

Ang travel period para sa promo flights ay mula June 16, 2025 hanggang December 15, 2025.

May operasyon ang Cebu Pacific sa 37 domestic at 26 international destinations sa buong Asia, Australia, at Middle East. — mula sa ulat ni Ted Cordero/FRJ, GMA Integrated News