Dumagsa ang mga celebrity sa inaabangang kasal ng Kapuso concert-comedy queen AiAi Delas Alas at Gerald Sibayan nitong Martes ng umaga.
Suot ang puting wedding gown, dumating si AiAi sa Christ the King Church sa Greenmeadows sa Quezon City na sakay ng isang vintage car.
IN PHOTOS: Moments at AiAi delas Alas and Gerald Sibayan's wedding
Dati nang sinabi ni AiAi sa nakaraang mga panayam na ang kaibigang si Marian Rivera ang nangako na sasagutin niya ang kaniyang damit pangkasal.
Dumalo sa kasal ang mga kaanak at kaibigan nina AiAi at Gerald kabilang ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna; Ogie Alcasid at Regine Velasquez; Marian at Dingdong Dantes; Sharon Cuneta, Pops Fernandez, Rufa Mae Quinto, Barbie Forteza, Valeen Montenegro, Julie Anne San Jose, Eugene Domingo, Love Abella, Jerald Napoles, Marvin Agustin, at Alden Richards.-- FRJ, GMA News
