Si Alden Richards ang magiging special guest sa pilot episode ng pinakabagong season ng late night talk ni Vice Ganda na “Gandang Gabi, Vice.”

Sa ulat ng GTV News Balitanghali nitong Huwebes, inilahad ni Vice na na-starstruck siya kay Alden sa isang event noon pang 2017.

Dati na ring inihayag ng TV host na kasama ang Asia’s Multimedia Star sa mga gusto niyang mai-guest sa kaniyang show.

Abangan ang mga exciting na pasabog sa GGV simula Setyembre 13 sa ganap na 10:00 pm at mapapanood sa GMA. – Jamil Santos/FRJ GMA News