Isang motorcycle rider ang nasawi matapos siyang may madaanang bato, mawalan ng kontrol at sumalpok sa center island sa Bacolod City.

Batay sa impormasyon ng GMA Regional TV, na iniulat sa GTV News Balitanghali nitong Huwebes, lumabas sa imbestigasyon at sa salaysay ng mga saksi na matulin ang takbo ng motorsiklo.

Kalaunan, may madaanan itong bato sa Barangay Pahanocoy kaya siya nawalan ng kontrol at sumalpok sa center island.

Tumilapon ang rider at natanggal ang suot niyang helmet.

Isinugod angbiktima sa ospital ngunit binawian din ng buhay dahil sa matinding sugat na tinamo sa ulo. – Jamil Santos/FRJ GMA News