Sa unang pagkakataon, magtatambal sina Ruru Madrid at Kyline Alcantara para sa isang episode ng GMA romantic anthology na "Wagas." Kaya naman pakiusap ang aktor sa kaniyang fans.

Sa Star Bites report ni Nelson Canlas, sinabing nakiusap si Ruru sa fans na huwag "i-bash" si Kyline dahil sa kanilang magiging tambalan sa naturang programa na napapanood sa GMA News TV.

Kilala si Ruru bilang ka-love team ni Gabbi Garcia na "GabRu" pero hindi muna mapapanood ang kanilang tambalan matapos ang seryeng "Sherlock Jr."

READ: Why Gabbi and Ruru will be working on separate projects for now

Masaya naman si Ruru matapos siyang kilalanin bilang Most Promising Male Star of the Year ng 49th Guillermo Mendoza scholarship Foundation Box Office Entertainment Awards.

Ipinangako ng aktor na mas pagbubutihin pa ang kaniyang pag-arte.

 

 

--Jamil Santos/FRJ, GMA News