
Nagpahayag ng kaniyang saloobin ang aktres na si Lotlot de Leon nang matanong tungkol sa pagkakaugnay ng kaniyang anak na si Janine Gutierrez kay Rayver Cruz.
Sa ulat ni Rey Pumaloy sa PEP.ph nitong Biyernes, nagpahayag ng pagsang-ayon si Lotlot kay Rayver para sa anak kahit hindi niya kinukompirma kung magkasintahan na nga ba ang dalawa.
“Kahit naman sinong magulang, yun naman ang hangad, na mahalin yung anak niya at tratuhin nang mabuti na may respeto,” anang aktres.
Nang matanong si Lotlot kung paano siya tratuhin ng aktor ngayong girlfriend na nito ang kaniyang anak, nanatawang tugon ng batikang aktres, "“Ewan ko, sila na ba? Inamin na ba nila?"
Gayunman, inilarawan ni Lotlot na mabait si Rayver at welcome daw ito sa kanila at itinuturing na niyang anak.
Matagal na rin daw niyang kilala si Rayver.
“Mabait, e. Mabait na bata. Wala akong masabi.
“Minsan humihingi ng advice din, if this is okay…
“I appreciate that. He trusts my judgment.
“Sometimes, pag ganun, I will always be there for Rayver,” sabi ng aktres.
Magkasama sina Lotlot at Rayver sa upcoming Kapuso afternoon drama series na "Asawa Ko, Karibal Ko."
Samantala, sinabi naman ni Lotlot na nasa tamang edad na ang anak niyang si Janine para magdesisyon para sa sarili.
“Janine is already of age to decide for herself and what’s good for her. And kilala mo naman si Janine, matalino naman yung bata, and I trust her naman ever since,” ayon kay Lotlot. -- For more showbiz news, visit PEP.ph
