Sa kaniyang Instagram account,  ibinalita ni "Mars" host Camille Prats na masusundan na ang anak nila ni VJ Yambao na si Nala.

"Our family is getting merrier coz a little present is on the way! God’s greatest gifts comes in surprises and we are over the moon!," saad ni Camille sa caption ng kanilang family picture.

Patuloy ng TV host-actress, "Unwrapping on July 2019! Truly a Merry Christmas indeed from our family to yours!"

 

 

Setyembre 2017 nang isilang ni Camille si Nala, na unang anak nila ni VJ.

READ: Camille Prats gives birth to baby Nala Camilla

Mayroon nang tig-isang anak sina Camille at VJ sa nauna nilang naging karelasyon.

Sa video na ipinost naman ni Camille sa Youtube, ikinuwento niya kung papaano nila nadiskubre na nagdadalang-tao muli siya matapos na ma-delayed ang kaniyang month period noong Nobyembre.

--FRJ, GMA News