Inilahad ni Bossing Vic Sotto na iba ngayon ang pakiramdam na ipagdiwang ang third wedding anniversary nila ng asawa niyang si Pauleen Luna, at ito'y dahil sa kanilang "little, big baby" na si baby Tali.

Ipinagdiwang nina Bossing Vic at Pauleen ang kanilang wedding anniversary nitong Enero 30, matapos ikasal noong 2016.

Sa renewal ng kontrata ng Eat Bulaga sa GMA Network kamakailan, tinanong si Bossing Vic tungkol sa mga pagbabagong kaniyang napansin sa relasyon nila ni Pauleen.

"Meron na kaming baby, 'yun ang mas lalong nagpasaya sa aming relationship. 'Yung anniversary namin, it's more meaningful that meron kaming 'little, big baby,' saad niya.

Sa isang simpleng dinner lang daw nila ipinagdiwang ang kanilang anniversary.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Anniversary dinner ????

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto) on

 

Tuloy-tuloy naman daw ang pagkanta at pag-hele ni Bossing Vic kay baby Tali.

"Hindi kumpleto araw nu'n 'pag hindi mo kinantahan. Very focused siya sa mga songs eh."

Nakakawala aniya ng pagod si baby Tali.

"Oo. Pag-uwi mo galing ng taping, tanggal lahat ng pagod pagka nakipag-usap ka sa kaniya," saad ni Bossing.

Makikita sa Instagram ni Pauleen ang pag-alaga ni Bossing Vic kay baby Tali, kung saan kinakantahan pa niya ito na may kasamang ukulele.

 

 

Samantalang si Pauleen naman, napa-throwback sa third wedding anniversary nila ni Bossing sa pamamagitan ng pag-post ng kanilang first dance. —NB, GMA News