Nagpahangang muli si Aicelle Santos sa kaniyang pagganap bilang si Elsa sa "Himala: Isang Musikal." Ang multi-awarded Pinay performer na si Lea Salonga, napaluha sa pagtanghal ng Kapuso singer.

Nagpa-wow agad ang buong produksyon ng "Himala" kahit sa press preview pa lang, samantalang pinuri naman ang pagganap at pag-awit ni Aicelle, ayon sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Biyernes.

"'Yung ginawa ko sa ibang bansa, it's more physical eh, 'yung pagod kasi Gigi will just appear in the first 10 minutes of the show, and then all the rest I'll be dancing, I'll be crossing the stage. Ito, pagod na pagod 'yung puso't isip mo. And I'm sure naramdaman rin ninyo habang pinapanood. Hahaha!" saad ni Aicelle.

Kaya naman hindi napigilang mapaiyak ng premyadong singer at aktres na si Lea pagkatapos ng show.

"Her performance is incredible. Every accolade she has received thus far is well deserved. She is immensely talented and so into the character and everything that she does you absolutely believe," ani Lea.

Ngayong Sabado ng gabi ang simula ng second run ng "Himala: Isang Musikal" na hango sa '80s film na "Himala" ni Superstar Nora Aunor. —Jamil Santos/LBG, GMA News