Sa edad na 6, talentado na ang "Wowowin" contestant na si Annika na marunong mag-English, Chinese, French, Bisaya, at Tagalog. Sa kabila nito, hindi na alam ni Annika ang pangalan ng kaniyang ama at hindi niya na rin ito nakita.

Sa programang Wowowin, ikinuwento ng inang si Annek na hindi sila nagkasundo noon ng tatay ni Annika, kaya mas minabuti niyang huwag na lang makita ng mga bata ang kanilang ama.

Panoorin ang palitan ng mensahe ng mag-ina. —Jamil Santos/LBG, GMA News