Labis ang pasasalamat ng bagong Kapuso artist na si Ysabel Ortega dahil nakasama kaagad siya sa isang malaking proyekto na pinagbibidahan ng aktor na kabilang sa mga nais niyang makatrabaho —si Alden Richards.
"When I spoke to Artist Center, tinanong po nila kung sino po yung mga gusto kong makatrabaho. And siyempre po si Alden is the one I listed down. Kasi siyempre po it's kuya, it's Alden Richards po. Kaya I'm very excited po," saad ng talaga.
Hindi pa raw niya nakakaeksena si Alden pero ginagampanan niya sa serye ang role na anak ni Jean Garcia, at kapatid ng kontrabida na si Martin del Rosario.
Sa serye, hindi pa alam ng mga karakter nina Jean at Alden na mag-isa sila, kaya nagsisilbing haft sister niya si Ysabel at haft brother si Martin.
Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment
--FRJ, GMA News
