Isang lalaki ang patay matapos siyang saksakin ng kaniyang kaaway sa Dumaguete, Negros Oriental. Sugatan naman ang suspek na dinala sa ospital.
Sa ulat ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Biyernes, sinabing duguan at napasubsob na lang ang biktima sa isang bangketa sa Barangay Bagacay.
Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima.
Bago nito, nakunan pang nagwawala ang suspek habang may dalang kutsilyo. Kalaunan, nakipag-ambahan siya sa lalaking kaibigan ng biktima.
Lumabas sa imbestigasyon na dati nang may away ang dalawa.
Unang naglabas umano ng ice pick ang biktima, hanggang sa humantong ito sa saksakan.
Mahaharap sa reklamong murder ang suspek, na walang pahayag.
Naka-hospital arrest ang suspek matapos ding magtamo ng saksak.—Jamil Santos/FRJ GMA News
