Nasawi ang isang mekaniko matapos pagbabarilin ang isang motorshop o talyer sa Shariff Aguak, Maguindanao del Sur. Tatlo katao pa ang sugatan.

Sa ulat ng GMA Regional TV sa GTV News Balitanghali nitong Biyernes, nahagip sa CCTV camera ang pagdating ng riding-in-tandem sa harap ng talyer dakong 2 p.m. nitong Huwebes.

Makaraan ang ilang saglit, ilang beses nilang pinaputukan ng baril ang mga nasa talyer at saka mabilis ding tumakas.

Patay ang isang biktima habang tatlo ang dinala sa pagamutan. Isa sa mga sugatan ang pinayagan na makalabas na ng ospital.

Lumabas sa imbestigasyon na nakita sa crime scene ang 14 basyo ng bala.

Sinabi ng pulisya na tukoy na ang mga suspek, at pinaghahanap na. – Jamil Santos/FRJ GMA News