Sinalubong nina Solenn Heussaff at Nico Bolzico ang kanilang first baby na si Thylane Katana ngayong 2020.

Baby girl ang unang anak ng mag-asawa na sinalubong ang taon sa ospital habang hinihintay ang panganganak ni  Solenn.

"Best way to welcome 2020. So inlove with you Thylane Katana," saad ni Solenn sa Instagram post.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

01.01.2020 Best way to welcome 2020. So inlove with you Thylane Katana.

Isang post na ibinahagi ni Solenn Heussaff (@solenn) noong

 

Taong 2016 nang ikasal sina Solenn at Nico, at inanunsyo nila ang pagbubuntis ng Kapuso star nitong nakaraang Agosto.

READ: Nico Bolzico explains ‘not fun’ story behind cute photo with ‘wifezilla’ Solenn Heussaff

Ilang araw bago ang panganganak, nagawa pa ni Solenn na i-prank si Nico nang magpanggap siyang pumutok na ang panubigan ng baby at kailangan na nilang pumunta sa ospital. —FRJ, GMA News