Sa programang "Tonight With Arnold Clavio," sumalang si Rachelle Ann Go sa "Nasubukan Mo Na Ba?" at sinagot kung naranasan na niyang makipag-blind date, magbayad sa date, at makipag-date sa ex.

Kasabay nito, inilahad din ng international theater actress na nasubukan na niyang hindi sumipot sa date kahit nag-"sige" siya sa nag-aaya sa kaniya. Ibinahagi naman ni Rachelle ang kaniyang natutunan at nagbigay ng payo sa mga singles. Panoorin.

— Jamil Santos/MDM, GMA News