Sa nakaraang pagdiriwang ng "Eat Bulaga" sa kanilang ika-41 taong anibersaryo, kabilang sa naging bisita ang datiang dabarkads na si Julia Clarete. Ano at sino ang mga pinakana-miss niya sa programa? Panoorin ang video na ito ng "Unang Hirit."

“Siguro mga almost two years ago, one of the first places I went to was Eat Bulaga. Dumalaw talaga ako sa dabarkads, hindi ako 'yung on-air. 'Yung du'n lang talaga, tambay lang,” kuwento niya.

Pero kahit matagal daw niyang hindi nakikita ang mga dating kasama sa programa, kapag nakita raw niya ang mga ito ay "kahapon lang kami nagkita."

"Nu'ng nag-guest ako nung 41st anniversary, 'yun 'yung longest na hindi ko sila nadalaw because nga of the pandemic. Parang ganu'n pa rin. Parang last week lang magkakasama kami,” saad ni Julia na umalis sa Eat Bulaga noong 2016 para bumuo ng pamilya.

Sabi pa ng dating TV host-actress, "Pinaka na-miss ko sa Eat Bulaga siyempre 'yung kalokohan. 'Yung pagpasok mo pa lang tsismisan, biruan.

"Tapos, siyempre, 'yung being able to change lives on a daily basis, being able to touch people and change perceptions. Marami talagang nata-touch na buhay ang Eat Bulaga," patuloy niya.

Pahabol pa ni Juli, "Nami-miss ko 'yon. Being able to do a lot of public service while having fun."--FRJ, GMA News