Ayaw daw ni Katrina Halili na lumaking pala-utos o "senyorita" ang anak niyang si Katie kaya tinuturuan niya na ito ng mga gawaing bahay hangga't bata pa.

Sa Chika Minute report ni Cata Tibayan sa GMA News "24 Oras" nitong Biyernes, sinabing sinusulit ni Katrina ang panahon ngayon ng quarantine para matutukan at madisplina si Katie, bukod sa madalas nilang family bonding.

"Natuturuan ko po siya na katulong siya sa akin dito. Like paggising niya nagpo-fold siya ng bed niya, tapos naghuhugas siya ng sarili niyang plato, nagwawalis siya 'pag may kalat siya. Nagma-mop kapag may kalat siya, nagma-mop kapag may kalat siya," sabi ni Katrina.

"Nauutusan ko siya, actually tini-train ko siya. Ayoko po siya lumaki na senyorita, baka mamaya tubig lang hindi pa magawang makuha, 'di ba? So gusto ko lumaki po siya na marunong po siya sa buhay niya," dagdag pa ni Katrina.

Sa isang Instagram post ni Katrina, makikita ang kaniyang anak na naglalampaso ng sahig, nagpupunas sa hagdanan at naghuhugas ng pinggan.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Gawaing bahay by katie Link in bio???????? full video on my YT channel, Katrina halili channel

A post shared by Katrina halili (@katrina_halili) on


 

 

Samantala, kinahihiligan din ngayon ni Katrina ang mag-bake at magluto sa bahay habang may  community quarantine.

Napapanood si Katrina sa GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas, na magkakaroon ng recap simula Lunes.

Excited na raw si Katrina na muling gampanan ang role ni Lilian, habang kasama niya rin si Wendell Ramos bilang si Sir Jaime.

Parehong sweet sina "Lilian" at "Sir Jaime" maging sa off-cam.

"Ganiyan talaga ako behind cam, talagang 'pag si Katrina... Siguro talagang nagwo-work, nakakatuwa dahil sino ba naman ang hindi mabibighani kay Ms. Katrina Halili? Talagang nagwo-work si Sir Jaime, 'yan 'yung longing niya na maibalik 'yung pagmamahal kay Lilian," sabi ni Wendell.

"Sobrang happy kami kasi 'di ba mare-refresh 'yung mga tao kasi babalik ulit sa simula, sa pilot hanggang sa bago mag-lockdown," ani Katrina.

Samantala, madalas namang kasama ni Wendell ang anak niyang si Wendell Saviour sa indoor workout.

Nagbukas naman ng food delivery business online si Wendell ngayong pandemic.

"You have to dream big and but start small," sabi ng aktor.--Jamil Santos/FRJ, GMA News