Handa nang humataw at magpasiklab ng kanilang hits at dance moves ang pinakabagong Pinoy pop boy group na 1st.One.

Sa panayam sa kanila sa "Unang Hirit" nitong Miyerkoles, sinabing sila rin ang kauna-unahang mga Filipino artist na magtatanghal sa Seoul Music Awards.

Ikinuwento ng grupo na binubuo nina ACE, Max, Alpha, J, Joker, at Jason, ang kanilang paghahanda at kung papaano sila nagsanay.

Si Jason, na Pinay ang ina at Korean ang ama ay minsan nang naitampok ang buhay sa "Kapuso Mo, Jessica Soho." 

WATCH: Binatilyong hinanap noon ang mga kapatid na Korean, P-Pop idol na ngayon

Nasa ilalim sila ng Korean entertainment management, at tatlong taon na nag-training para hubugin ang skills nila sa dancing, singing at pag-rap.

Panoorin ang live performance ng kanilang single na You Are The One.--FRJ, GMA News