Marami ang naantig sa kuwento ng half-Korean at half-Filipino na si Jayson Lee nang maitampok ito noong 2017 sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" dahil sa paghahanap sa kaniyang mga kapatid at ama sa Korea. Tatlong makalipas nito, malaking pagbabago ang naganap sa kaniyang buhay at tiyak na titilian na ngayon ng mga mahilig sa K-Pop at P-Pop.

Sa naturang episode noon ng "KMJS," nakausap ni Jayson at ng kaniyang inang Pinay sa Aurora, ang isa niyang kapatid na nasa Korea na matagal na nawalay sa kanila.

Pero hindi lang pala doon nagwakas ang masayang kuwento sa buhay ni Jayson dahil mayroon nakapanood sa naturang episode at nagkaroon ng interes na isama siya sa bagong P-Pop group na mala-K-Pop ang dating.

Panoorin ang video at alamin ang malaking pagbabago sa buhay ni Jayson na maaaring kapulutan ng inspirasyon ng ibang nahaharap din sa pagsubok sa buhay.

--FRJ, GMA News