Sa behind the scenes ng online show na "Just In," napansin ni Antonio Aquitania na tila suwerte ang host ng programa na si Paolo Contis ngayong may pandemic. Bukod nga naman sa pumatok sa Netflix ang kaniyang mga pelikula, tuloy-tuloy din ang trabaho niya.

Kaya natatawa at birong pag-angkin ni Paolo, siya na ang "pandemic superstar." Sabi pa ng aktor, baka malaos siya kapag natapos na ang community quarantine.

Balikan ang mga makukulit na hirit ni Paolo sa kaniyang mga naging guest sa "Just In." Panoorin.

--FRJ, GMA News