Ibinahagi ni Sheena Halili ang sweet moment ng unang umaga nila ng mister na si Jeron Manzareno na kasama na kanilang baby girl na si Baby Martina sa kanilang tahanan.

"First morning in our home!" caption sa Instagram ni Sheena, na nanganak nitong Sabado.

Sa larawan, makikitang parehong mahimbing ang tulog ni Sheena at ni Baby Martina.

 

 

"Wala nang gaganda pa sa pagiging mommy. Kahit anong hirap, aminin natin, ang saya pag busog at sleeping na siya peacefully [hearth emoji]" sabi ng Kapuso actress.

Sa Instagram naman ni Jeron, ibinahagi niya rin ang unang sunbath ni Martina, na ginawa niyang comic nang gayahin niya sa anak ang pagtataas ni Simba sa "The Lion King."

“Everything the light touches is Pasig City,” caption ni Jeron.

Ikinasal sina Sheena at Jeron Pebrero nitong taon, at inanunsyong magkakaanak na sila nitong Hunyo.--Jamil Santos/FRJ, GMA News