Sa pagbabalik nina Mikael Daez at Carla Abellana bilang sina Isabella Gonzales at Nikolai Gonzales sa GMA teleserye na “Love of My Life,” ibinahagi nila ang paninibago sa lock-in taping kung saan nagkakailangan pa sila noong una sa mga eksenang may physical contact.

Bukod sa kinailangan silang manatili sa iisang lugar habang isinasagawa ang taping, sumailalim din ang cast at crew ng serye sa swab test at ipinatupad ang iba pang health protocols.

“It was the first few taping days, hindi natin alam kung paano tayo gagalaw in terms of the physical touch,” kuwento ni Mikael sa press conference.

“Remember we were all, lahat tayo nag-a-adjust OK, ‘when are we taking off our masks?’, and then even in the scenes, I don’t know if you felt this, but I super felt it. I was like, siyempre you’re moving along the scene normally, ’di ba there’s no pandemic in the ‘Love of My Life’ teleserye,” patuloy ng aktor.

“So even relating (to) Nikolai, (he) is a very physical person who would hug a lot, touch a lot. I was like, ‘where do I land on this?’” kuwento pa niya.

Ayon kay Mikael, ang batikang aktres na si Coney Reyes ang nagsilbing daan para maalis ang ilangan.

“I think it was Tita Coney. We had this one scene, dapat parang magmumukhang magha-hug kami, tapos dadayain, and Tita Coney was like, ‘hay nako i-hug mo na ako,’” anang aktor.

“‘Okay Tita Coney I will hug you na,’ so we had a moment,” natatawang sabi ni Mikael.

Sinabi naman ni Carla na humihingi siya ng permiso at nagtatanong sa kaniyang co-actors at mga direktor sa mga eksena na may physical contact.

“That was the biggest aspect kung saan nangapa kami,” ayon kay Mikael.

Sa kabila ng lahat, sinabi nina Mikael at Carla na naging masaya sila sa lock-in taping at hindi naman naging mahirap ang kanilang trabaho.

Muling mapapanood ang mga bagong episode ng “Love of My Life” sa GMA-7 simula sa Dec. 28. – FRJ, GMA News