Pinusuan ng maraming netizens ang bonding moments ng mga anak ni Jackie Forster sa beach ngayong holiday season. Kasama sa kasiyahan ng magkakapatid ang paghagis ni Andre sa batang kapatid na si Yohan sa dagat. Pero magawa rin kaya ito ni Andre sa kay Kobe?

Sa kaniyang Instagram, sinabing bumiyahe patungong Boracay sina Jackie at mga anak niyang sina Andre, Kobe, Jared, Caleigh at Yohan.

 

 

Sa bonding ng magkakapatid, makikita ang lakas ni Andre nang ihagis niya sa ere ang mga kapatid na sina Caleigh at Yohan habang ine-enjoy nila ang tubig.

 

 

"The happiest 5 year old @yohan_forster [heart shaoe] @andreparas #1 & #5" caption ni Jackie.

 

 

Ngunit pagdating kay Kobe na 23-anyos na at mas mataas pa sa kaniyang kuya, tila buhat na lang ang nagawa ni Andre at hindi na niya kayang ihagis tulad noong mas bata pa sila.

 

 

"Di na kaya ni kuya @andreparas yung dati nyang alaga ???? @_kokoparas is bigger than kuya now ???? #bigbaby ????" caption ni Jackie tungkol sa mga anak niya.

Samantala, sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras" nitong Miyerkoles, makikita na enjoy din ang Dantes squad sa kanilang beach getaway, lalo na sa paglalaro nina Zia at Sixto sa buhangin at dagat.

Hindi naman nagpahuli si Marian Rivera sa posing niya sa batuhan, habang meron din silang moments ng kanilang salu-salo sa beach front.

Nag-Boracay din si Sofia Pablo matapos ma-lockdown ng ilang buwan sa kaniyang tahanan.

Kasama ni Sofia ang kaniyang ina at vlog partner na si Allen Ansay at mga magulang nito.

Makikita rin ang isang photo ni Michelle Dee habang ine-enjoy ang sunset sa Boracay.--FRJ, GMA News