Naging palaisipan sa netizens kung nagkita o magkasama kayang sinalubong nina KC Concepcion at apl.de.ap, 45, ang Bagong Taon sa Palawan.

Sa ulat ni Bernie V. Franco sa PEP.ph, nag-ugat ang katanungan nang may netizen na nag-post ng magkahiwalay na larawan nina KC at apl na tila kuha sa iisang lugar.

Bukod doon, tila iisang tao lang ang kasama ng dalawa sa magkahiwalay na larawan dahil pareho ang suot at sumbrero ng lalaki.

Ang magkahiwalay na larawan nina KC at apl ay nilagyan ng netizen ng caption na: “Kc concepcion & APL de ap [smiling face with heart eyes emoji]”

Bago sumapit ang New Year, sunud-sunod ang post ni KC sa Instagram ng bakasyon niya sa El Nido, Palawan.

Sinasabing may iba pang celebrity na nakasabay si KC sa naturang bakasyunan.

Dati nang nali-link sina KC at apl, pero dati nang sinabi ng aktres na kaibigan lang niyang Pinoy international performer.--For the full story, visit PEP.ph