Isinilang na ni Maricris Garcia ang kaniyang baby girl na si Adaiah Denise Garcia-Cruz.

Sa kaniyang Instagram, nag-post ang Kapuso singer ng larawan ni Baby Adaiah Denise, na ipinanganak 8:14 a.m. nitong Martes, Enero 12.

"No words could ever describe that overwhelming feeling the first time you hear your child cry. I still can’t believe I carried you inside me for 9months! How can another human grow inside my body?!? How?!?" caption ni Maricris.

 

Labis naman ang pasasalamat ni Maricris sa bagong regalo sa kanila ng kaniyang asawa na si TJ Cruz ngayong Bagong Taon.

"Life truly is a miracle and a gift from God, with Him nothing is impossible. ?" saad ni Maricris.

Ibinahagi ni Maricris ang kaniyang pagbubuntis Mayo noong nakaraang taon.

Ikinasal sina Maricris at TJ noong Disyembre 2016. —LBG, GMA News