Naiyak si Klea Pineda matapos siyang makapagpalipad ng eroplano at makita ang magandang tanawin sa himpapawid, bilang pagtupad sa pangarap niya na maging isang piloto.

Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa GMA News "24 Oras," sinabing childhood dream na talaga ni Klea ang maging pilot.

Kaya nang matapos ang kanilang lock-in taping sa Kapuso afternoon series na "Magkaagaw," pumasok na si Klea sa orientation flight, na ibinahagi niya rin sa Instagram.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Klea Pineda (@kleapineda)

"Actually orientation flight po 'yun. Isa po siyang school na nagte-train ng mga gustong maging piloto. And pinapunta po nila ako sa kanilang airport, nag-orientation flight po kami so in-explain lang po sa akin 'yung mga basic na kailangan kong malaman bago magpalipad ng eroplano," anang Kapuso actress.

Sisimulan na raw ni Klea ngayong taon na mag-enroll para sa kaniyang formal schooling para maging isang ganap na piloto.

"Happy naman po ako dahil nasubukan ko siya. Actually habang pinapalipad ko po 'yung eroplano na nasa ere po kami, nati-teary-eyed ako kasi ito 'yung isa sa mga gusto ko eh, ito 'yung mga gusto kong i-pursue. Malapit na ako na matupad 'yung isa sa mga pangarap ko sa buhay." – Jamil Santos/RC, GMA News