Simple and sweet ang naging mensahe ni Ruru Madrid kay Bianca Umali, na nagdiriwan ng kaarawan ngayong Martes.

Sa Instagram ni Ruru, makikitang magkasamang nag-get-away sina Bianca at Ruru para makapag-enjoy at relax.

Ibinahagi naman ni Ruru ang ilang sa kanilang bonding moments sa post.

"For you, I will do anything to make sure your day is a good one," saad ni Ruru.

"Happy birthday, My grumpy unicorn! [with emoji]," mensahe pa niya sa aktres.

 

 

Nag-post din ang aktres sa kaniyang Instagram habang nasa infinity pool at katabi ang kaniyang aso habang ini-enjoy ang magandang tanawin.

"Content, happy and grateful...," saad ng aktres sa caption.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Bianca Umali (@bianxa)

 

"Happy birthday my-hal," komento naman ni Ruru sa post.

Wala mang pormal o opisyal na pahayag tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, tila mas bukas na ngayon su Ruru na ipaalam ang nararamdaman para kay Bianca.

--FRJ, GMA News