Sa edad na 55 at meron nang dalawang anak, inihayag ni Teresa Loyzaga na hinahanap niya pa rin ang kaniyang makakatuluyan sa buhay.

"I've been focusing also on charities and dog shelters or animal rescue. Maybe it's time someone will come along and rescue me," sabi ni Teresa sa Mars Pa More.

"Who knows, hindi ba?" dagdag ng aktres.

Sumabak si Teresa sa isang game kasama sina Ina Feleo at Mars Pa More hosts Iya Villania at LJ Reyes, kung saan tinanong sila kung ano sa tingin nila ang plot twist kung gagawing teleserye ang buhay nila.

"Pero kasi together with that, the dream is, I'm gonna travel far somewhere by myself, but then return with someone who's been looking for me pala. Parang gano'n. Char!" sabi niya.

Si Teresa ay ikinasal noon sa businessman na si Arnold Dizon at nagkaroon sila ng isang anak na si Joseph, ayon sa ulat ng pep.ph.

Naging partner din ni Teresa si Cesar Montano, at anak nila ang aktor na si Diego Loyzaga. â€”Jamil Santos/KG, GMA News