Sa gitna ng ipinatutupad na rollout ng COVID-19 vaccine, inihayag ng ilang Kapuso star na handa silang magturok ng gamot na panlaban sa naturang virus.

Sa Chika Minute report ni Lhar Santiago sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabing hinihikayat din nila ang kanilang mga kaanak na magpabakuna.

"Lalo na po ngayon na tumataas na naman nang tumataas [ang COVID-19 cases]," ayon kay Arra San Agutin.

"Actually pati pamilya ko ini-encourage ko po silang magpaturok," dugtong niya.

Sinabi naman ni Ashley Ortega na handa na rin siya na magpaturok ng bakuna kaysa mahawahan pa ng virus.

Pahayag naman ni Jak Roberto, "If ever magkaroon na ng vaccine, for me ok po ako doon."

Tulad ng iba, sinabing stay at home ang tatlo at kinansela ang mga planong bakasyon ngayong Semana Santa kasunod na isailalim muli sa lockdown ang Metro Manila at kalapit na mga lalawigan.--FRJ, GMA News