Matapos ang mahigit isang buwan na magkarelasyon, engaged na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay.

Sa Instagram post nitong Lunes, ibinahagi ni Ellen ang singsing sa kaniyang kamay na nakatapat kay Derek.

Mayroon ding ilang larawan ng kanilang proposal.

Makikita rin na naiyak at nagulat ang aktres nang makita ang “Will you marry me?” neon sign sa dingding.

“Game Over,” saad niya sa caption.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by EA (@maria.elena.adarna)

 

Nitong nakaraang buwan inanunsyo ng dalawa ang kanilang relasyon.

Kamakailan lang, sinabi ni Derek na si Ellen na ang babaeng nais niyang makasama sa buhay.

Sa Abril 4 ang second month ng kanilang anniversary.

Nagsimulang magkamabutihan ang dalawa sa isang dinner party sa bahay ng aktor kasama ang ilan pa nilang kaibigang celebrity. – FRJ, GMA News