Sa panahong ito ng pandemic, sinasabing malaking tulong ang mga hayop upang makabawas ng stress. At dahil sa social media, nakatutulong din sa ibang tao ang mga cute-cute at adorable na pets tulad ng nine month old shih tzu na si Luffy.


Dahil sa Tiktok videos na ipina-post ng kaniyang fur mommy na si Sarah, libu-libu na ang followers ng smiling shih tzu na si Luffy.

Nakatatanggap na rin siya ng mga endorsement.

Ayon kay Sarah, hindi naman dating palangiti si Luffy, at napansin lang niya ang cute smile ng alaga noong seven o eight month old na ito.

Sabi pa ni Sarah, malaki ang naitulong sa kaniya ni Luffy upang malampasan ang mga pagsubok sa buhay dahil hatid nitong ngiti at lambing.

Pero hindi lang si Luffy ang kinaaliwan ng mga tao sa social media. Mayroon din viral cats at pati na ang hedgehogs. Panoorin ang video na ito ng "AHA."


--FRJ, GMA News