Good vibes ang hatid at pinusuan ng netizens ang video ng ginawang paggaya ni "Bubble Gang" babe Ashley Rivera sa kontrobersiyal na pagharang ng barangay official sa delivery riders na maghahatid ng lugaw sa San Jose del Monte, Bulacan.

Sa naturang insidente, iginiit ng isang barangay official na "non-essential" ang lugaw, bagay na hindi naman inaayunan ng iba dahil pagkain ito na kasama sa mga pinapayagang maihatid kahit may umiiral na mahigpit na quarantine protocols.

Dalawang oras pa lang mula nang i-post ni Ashley ang video, mayroon na itong 4,500 shares, 1,200 comments, at 22,000 reactions. Panoorin.


--FRJ, GMA News