Nagdadalamhati ngayon si Kyline Alcantara sa pagpanaw ng kaniyang lola sa mother's side na tinatawag niyang "Big Mama."

"It's really hard to let you go, Big Mama. Na miss mo naman agad si Papa Ben. Enjoy there with him," saad ni Kyline sa Instagram post.

"I love you so much. You will forever be my inspiration. I miss you sooooooooo much. So much," dagdag ng Kapuso actress.

 

 

Sa kaniya namang IG stories, nagbahagi si Kyline ng ilang throwback photos at videos nila ng kaniyang Big Mama, pati na rin ang mga larawan nito bilang pag-alala sa kaniya.

Sa isang video ni Kyline, makikita ang pagsuporta sa kaniya ni Big Mama, na pinanonood ang dating Kapuso teleserye niyang "Bilangin Ang Bituin sa Langit."

"I will do my best every time I perform. I promise you and Papa Ben that. I love you so much," caption ni Kyline.

Matatandaang bago nito, namaalam din nitong nakaraang taon ang kaniyang lolo, na malapit sa kaniya at tinatawag niyang Papa Ben.

 

 

--FRJ, GMA News