Nagbabalik ang hit Pinoy musical na "Rak of Aegis," naka-stream na online.

Maaaring i-stream ang mga recorded na dating pagtatanghal ng Rak of Aegis via pay-per-view mula Hulyo 31 hanggang Agosto 8, ayon sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Biyernes.

Tampok sa musical ang kanilang hits tulad ng "Sinta," "Luha" at "Basang basa sa Ulan."

Kabilang sa mga nagtanghal sa musical sina Aicelle Santos, Derrick Monasterio at Kakai Bautista.

Nagkaroon ng pitong matagumpay na theater rounds ang Rak of Aegis mula 2014 hanggang 2019. —Jamil Santos/LBG, GMA News