Para kay Assunta de Rossi, hindi matutumbasan ng pagod na naranasan niya noon sa showbiz ang kapagurang pinagdadaanan niya ngayon bilang isang ina, pero nagbibigay naman sa kaniya ng kaligayahan sa tuwing masaya si Baby Fiore.

"[Twenty-five] years of stress and puyat from showbiz is no match to motherhood. I’m awake 14-15 hours during the day, and the rest I wake up every 1-3 hours for feeding or resettling," kuwento ni Assunta sa ginagawa niyang pag-aalaga sa kaniyang anak sa Instagram.

Sa larawan, makikitang yakap-yakap niya si Baby Fiore sa kalagitnaan ng gabi.

"Very exhausting, but I’ll get through this. Baby is healthy and happy, and that’s all that matters."

Nakatanggap naman si Assunta ng words of encouragement mula sa mga kaibigan niya sa showbiz at fans.

"Oh yes, I remember how exhaustion brought me to tears! Hang in there," komento ng ina ring si Dawn Zulueta.

Isinilang ni Assunta si Baby Fiore Oktubre noong nakaraang taon matapos ang halos dalawang dekada ng pagsubok ng iba't ibang paraan ng pagkakaroon ng anak, at sa kabila ng kaniyang myoma at endometriosis.

Dahil dito, itinuturing ni Assunta na kanilang "debutante" si Fiore, na isinilang sa kaparehong taon ng kanilang ika-18 anibersaryo ni Jules Ledesma. – Jamil Santos/RC, GMA News