Kilala si Candy Pangilinan na isang mahusay na aktres at komedyante. Pero sa likod ng kaniyang pagpapatawa, isang seryosong ina si Candy na mag-isang itinaguyod ang anak na si Quentin na may special needs.

Sa panayam ni Kara David kay Candy para sa "Brigada," ikinuwento ng aktres ang panahon nang malaman niyang may autism at attention deficit hyperactivity disorder o ADHD ang kaniyang anak.

Pero kahit kagagaling lang ni Candy sa breakup at wala pang trabaho nang panahong iyon, sa halip na panghinaan ay pinili ng aktres na maging matatag at tanggapin ang kaniyang responsibilidad bilang ina ni Quentin.

Tunghayan sa video ang mga sakripisyong ginawa ni Candy para kay Quentin at mga bagay na nagagawa ng anak na nagbibigay sa kaniya ng kasiyahan bilang ina.

Gumawa na rin siya ng libro at vlog para magabayan ang ibang mga magulang may anak na kailangan din ng espesyal na atensyon. Panoorin.

--FRJ, GMA News