Ibinahagi nina Valerie Concepcion at Candy Pangilinan ang kanilang naging karanasan bilang single mother. Si Valerie, 16-anyos lang nang magkaanak habang may special needs naman ang anak ni Candy.

Sa programang "Mars Pa More," sinabi ni Valerie na wala siyang kaalam-alam noon sa pag-aalaga ng bata dahil sa napakabata pa niya nang magkaanak.

Si Candy naman, binalikan ang karanasan nang ibalik niya sa ospital at ma-ICU ang kaniyang anak na isang buwang gulang pa lang noon.

Sa harap ng mga kuwento ng pagsubok sa kanilang pagiging single mom, inihayag nina ni Valerie at Candy, ang mahalagang papel na ginampanan ng kani-kanilang ina upang malampasan ang pagsubok. Panoorin ang kanilang kuwento sa video.

--FRJ, GMA News