Ibinahagi ni Pauleen Luna ang makulit na bonding moment ng kaniyang mag-amang sina Bossing Vic Sotto at Baby Tali habang nagda-drums.

Sa Instagram story ni Pauleen, na mapapanood sa GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, makikitang enjoy si Bossing sa pagtugtog ng drums habang kunwaring dini-dedma si Tali.

Labis naman ang tuwa ni Pauleen habang kinukunan ang adorable moment ng mag-ama.--Jamil Santos/FRJ, GMA News