Inihayag ng Ben&Ben na ang upcoming single nilang "Magpahinga" ay isinulat nang magpositibo sa COVID-19 ang kapatid na babae ng kanilang vocalists. Inilarawan na "one of the toughest times" ng kanilang pamilya ang naturang sandali.

Sa Facebook post nitong Miyerkules, sinabi ni Paolo Benjamin na isang buwan na ang nakararaan nang maisulat ang kanta sa panahon na inilarawan niyang "one of the toughest times" ng kanilang pamilya.

"It was one of the toughest times for our family. In the middle of these dark days, in the middle of these battles we silently fight, may we remember that it's okay to rest," ani Paolo.

"Thankfully our sister recovered, but there are so many out there who aren't as fortunate, and many likewise are enduring the heaviest of days right now. This song is for all of you. Magpahinga ka muna," dagdag niya.

 

the new song we're releasing, "magpahinga", was written when our sister got COVID-19 more than a month ago. it was one...

Posted by Ben&Ben on Wednesday, May 12, 2021

 

Sa naunang post, nagpasilip ang Ben&Ben ng clip ng "Magpahinga," na may lyrics na alay "para sa mga pagod na lumaban. para sa'yo 'to.  magpahinga."

 

@benandbenmusic

para sa mga pagod na lumaban. para sa'yo to. magpahinga, an ##original. ##benandbenmusic

? original sound - Ben&Ben

 

FRJ, GMA News